in

Pfizer, hindi epektibo laban sa Delta variant

Ang bakunang Pfizer ay mayroong mababang proteksyon at hindi epektibo sa pagpigil ng pagkalat ng Delta variant. Ito ay ayon sa ilang pag-aaral sa iba’t ibang bansa sa mundo. 

Ayon sa pagsusuri na isinagawa sa Great Britain, sa pakikipagtulungan ng Francis Crick Institute at inilathala sa The Lancet magazine, ang mga antibodies ng mga taong nakatanggap ng dalawang dosis ng bakunang Pfizer-BioNTech ay hindi epektibo ng higit sa limang beses laban Delta variant kumpara sa orihinal na bersyon ng SarsCoV2 virus.  Ipinapahiwatig ng pag-aaral na ang lebel ng antibodies ay nagiging mas mababa sa pagtanda o pagtaas ng edad at may posibilidad na humina sa paglipas ng panahon.

Bukod dito, mula sa mga datos na inilabas ng Israeli Ministry of Health matapos ang ginawang pagsusuri sa isang lugar sa bansa kung saan ang pagbabakuna sa masa ay eksklusibong ginawa sa pamamagitan ng Pfizer lamang. 

Ang mga datos ay nagpapahiwatig ng pagbagsak ng pagiging epektibo nito sa halos 30% lamang, mula sa 94.3% (noong Mayo) hanggang sa 64% noong Hunyo laban sa pagkalat ng Delta variant. 

Gayunpaman, sa parehong pag-aaral ng Ministry of Health ay kinukumpirma na ang bakuna ay nagbibigay proteksyon laban sa paglala ng sakit at hospitalization at ang effectivity nito mula sa 98.2% noong Mayo ay bumaba sa 93% ng June. Ang Delta variant ay ang responsable sa napakaraming bagong kaso sa Israel (hanggang 90%) sa nakaraang dalawang linggo.

Unang nadiskubre ang Delta (B.1.617.2) coronavirus variant sa India noong nakaraang Disyembre at ngayon ay isa sa kinatatakutan dahil sa pinakamatinding strain ng coronavirus na umiikot ngayon sa buong mundo.

Batay sa pag-aaral, ito ang pinaka-transmissible variant sa kasalukuyan. Ang Delta ay kumalat na sa halos 92 bansa at ang naturang strain ay naghasik ng ilang wave ng mga kaso ng COVID-19 sa maraming bansa sa kasalukuyan.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Ako ay Pilipino

Mula Bonus Renzi na € 80 sa Bonus Cuneo Fiscale na €100, simula July 1

Green Pass, narito ang mga dapat malaman sa pagbibiyahe sa Europa