Walang tsunami alert sa Pilipinas.
Rome, Abril 11, 2012 – Ang lindol sa Northern Sumatra ngayong araw na ito, Miyerkules ay walang panganib ng tsunami sa Pilipinas, ito ay ayon Philippine Institute of Volcanology at Seismology ilang minuto matapos ang lindol.
Sa isang tsunami bulletin na inilathala sa kanilang website, ayon sa Phivolcs ang lindol ay malayo upang maging sanhi ng tsunami sa Pilipinas.
“0 level ang tsunami alert” ayon sa Phivolcs. Walang banta ng tsunami sa Pilipinas mula sa nabanggit na lindol,” ayon pa sa bulletin.
Gayunpaman, ang ganitong lakas na lindol ay maaaring maging sanhi ng local tsunamis na makakasira sa mga baybaying matatagpuan sa loob ng 100 kilometro ng sentro nang lindol, “sinabi rin ito.
Ayon sa Phivolcs, ang lindol na naitala sa Northern Sumatra sa Indonesia at may magnitude na 8.7,.
Ilan sa mga palatandaan ng babala ng isang lokal na tsunami ay ramdam na lindol, isang biglaan at hindi pangkaraniwang pagbabago sa antas ng dagat, at ang tunog ng papalapit na mga alon.