in

10-validity ng mga pasaporte, ipatutupad sa Enero 2018

Pinirmahan na ni Foreign Affairs Sec. Cayetano ang implementing rules and regulations (IRR) ng RA 10928 na layong i-extend o palawigin ang validity ng mga pasaporte ng hanggang 10 taon.

 

 

Matapos ang malawakang konsultasyon sa Kongreso at ng iba pang mga stakeholder ay pinirmahan kamakailan ni Foreign Affairs Sec. Cayetanoang Department Order No. 010-2017 o ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 10928 mas kilala bilang “An Act Extending the Validity of Philippine Passports”. 

Layon nitong palawigin ang validity ng mga pasaporte ng hanggang 10 taon at ito ay simulang ipatutupad mula  Enero 1, 2018.

Sa ilalim ng nasabing IRR, walang anumang pagbabago sa kasalukuyang pasaporte maliban sa sampung-taong validity nito para sa mga may edad mula 18 anyos pataas. Samantala, mananatili ang limang taong validity ng mga Pilipinong may edad 18 pababa. 

Samakatwid, ang bagong pasaporte na balido ng sampung taon, ay nagkakahalaga katumbas ng 5 yr-validity passport o ng kasalukuyang halaga nito, ayon pa sa IRR. 

Gayunpaman, dagdag pa ng DFA sa press release nito, upang matugunan umano ang mandato nito na mapabuti ang proseso at masiguro na ang produksyon at seguridad ng nasabing dokumento ay nakakasunod sa pamantayang pandaigdig, ay maaaring umanong magpataw sa hinaharap ng karagdagang singil. 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

4 na taong batang Pinoy na nahulog mula sa ika-pitong palapag, maayos ang kundisyon

Pagkawala ng mga dokumento, maaaring gawin ang report sa Comune