Manila, Disyembre 10, 2014 – Bagaman hindi naging kasing tindi ng hagupit ni ‘Yolanda’, pumalo na rin sa labing-isa ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Ruby’.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng ala-1:00 Miyerkules ng hapon, Disyembre 10.
May walo pang napabalitang nasawi sa bagyo ngunit kailangan muna itong matiyak ng Department of Health (DOH), ayon pa sa NDRRMC.
Iniulat rin na 480 pa ang sugatan mula sa Region VII at VIII.
Patuloy pa rin ang pag-aayuda sa 389,807 pamilya, katumbas ng 1,766,929 indibidwal.
Samantala, naibalik na ang kuryente sa Hilongos, Bato, Hindang, Imopacan, Matalom, Isabel, Merida at Palompon sa Leyte maging sa Unisan at Guinayangan sa Quezon.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa P2.5 bilyon ang pinsala ng bagyo sa agrikultura at imprastruktura.