Mula 1,500 hanggang 2,000 Chinese tourists ang nagkansela ng kanilang flight sa Pilipinas, ayon sa DOT o Department of Tourism kahapon.
Rome, Mayo 15, 20120 – Ayon kay Atty. Maria Victoria Jasmin, ang undersecretary for tourism regulation and coordination, na ang halos 2,000 cancelled flight ay para lamang sa buwan ng Mayo. Simula May 10, sampung tour operators ng Shanghai, Beijing at Guangzhou ang nag kansela ng mga flights partikular sa Boracay, Cebu and Bohol.
Ang kanselasyon ng mga flight, ayon sa mga travel agency, ay nagpababa ng kanilang income, dahil bawat turista ay gumagastos mula $90 hanggang $200 bawat araw sa pagbabakasyon sa Pilipinas.
Ito, ayon pa kay undersecretary, ay bunga diumano ng takot sa ginanap na kilos-protesta noong nakaraang biyernes.
Ipinahayag ng DOT na ang China ay ang ika-apat na top tourist market ng bansa at nagkaroon 8.4% share sa kabuuang bilang ng mga turista mula Enero hanggang Marso 2012 o higit sa 96,455 turista.
Noong 2011, umabot sa 243,137 ang mga Chinese tourists na bumisita sa Pilipinas, at tinatayang 6,21% ng kabuuang bilang ng mga turista sa bansa.