238,557 overseas Filipino voters muling makakaboto sa nalalapit na halalan. Ang tagumpay ay sa pangunguna ng GFDC.
Manila – Marso 6, 2013 – Ibinabalik ng Commission on Elections (Comelec) ang tinatayang 238,557 mga overseas Filipino voters sa official voters list na tinanggal noong nakaraang January 18, 2013 dahil sa hindi pagsusumite ng mga ito ng intent to vote matapos bigyan ng pagkakataong makaboto sa May election at manatili sa NROAV o National Registry of Overseas Absentee Voters.
Ang pagbabalik sa official voters list ay matapos tanggapin nina Comelec Chairman Sixto Brilliantes at Commissioner Grace Padaca ang hinaing mula kiina Rodel Rodis at Ted Laguatan buhat sa GFDC o Global Filipino Diaspora Council sa ginanap na special Comelec hearing noong nakaraang Biyernes, March 1. Kasama rin sa nasabing hearing ang ilan sa GFDC Board Members at ilang miyembro.
Ang GFDC ay isang global organization ng mga overseas Filipinos. Pinangungunahan ni Loida Nicolas Lewis bilang Chairperson; Rodel Rodis bilang Presidente; Gene Alcantara (UK/Europe), Lolita Farmer (Australia), at Daisy Mandap (HK/China) bilang mga Vice Presidents; Dr. Celia Lamkin (Saipan, Commonwealth of Northern Marianas Island) bilang Secretary at TedLaguatan bilang Spokesperson at Legal Counsel. Ang Board Members naman ay binubuo ng 27 representatives buhat sa iba’t ibang bansa.
Batay sa bagong pinirmahang resolusyon, ayon kay Chairman Brillantes, ay sapat nang ang 238,557 ay lumabas ng kanilang mga tahanan at bumoto. Dadagdagan na lamang diumano ng Comelec ang mga balota.
Samantala, inaasahan ni Chairman Brillantes ang pagpapatupad ng online voting upang mas maraming ofws diumano ang makaboto. Ngunit ito ay nangangailangan ng susog sa kasalukuyang batas, pagtatapos pa nito.