Seryosong inanunsyo ni incoming President Rodrigo Duterte na ipapatupad nito ang 3-child policy para sa isang mag-asawa.
Sa kanyang mensahe sa flag raising ceremony sa Davao City ay sinabing suportado ng kanyang liderato ang Responsible Parenthood sa kabila ng mahigpit na pagtutol dito ng Simbahang Katolika.
Kontra ang Simbahang Katolika sa abortion at paggamit ng contraceptives tulad ng pills at condoms.
“I will reinstall the prog¬am of family planning. Tatlo tama na yan so social workers must be proactive. Better shape up. Wag na muna simbahan, away kami diyan e. Noon pa yan, it started during President Fidel Ramos’ time. He was the only president who fought for family planning. Pati ako binabangga ko.. family planning. Hindi na realistic e,” dagdag pa ni Duterte.
Sinabi naman ni incoming NEDA chief Ernesto Pernia, isusulong ni Duterte ang ‘rapid and sustained implementation’ ng Responsible Parenthood at Reproductive Health Act.