in

3 Pinoy kabilang sa mga nasawi sa bumagsak na eroplano ng Malaysia

Tatlong Pinoy ang kabilang sa halos 300 nasawi sa pagbagsak ng eroplano ng Malaysia Airlines sa Ukraine kahapon.

Maynila, Hulyo 18, 2014 – Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose na kabilang ang 3 Pinoy sa mga biktima ng bumagsak na flight MH17 (Boeing 777) na galing Amsterdam at pa-biyaheng Kuala Lumpur. Sila ay sina Irene Gunawan, 54 at kanyang dalawang anak na sina Sheryl Shania Gunawan, 15 at Darryl Dwight Gunawan, 20.

Ang tatlong biktimang Pinoy, bagaman hindi pinangalanan noong una, ay lumabas na rin sa inisyal na report ng Agence France-Presse kung saan inilabas ang  listahan ng mga biktimang pasahero at crew.

Inihayag ni Malaysian Airlines Vice President Huib Gorter  sa isang press conference, na 154 sakay ay Dutch, 27 ang Australian, 45 ang Malaysian, 12 ang Indonesian, 9 ang British, 4 ang German, 4 ang Belgian, 3 ang Pinoy habang 1 ang Canadian. Samantala ang nasyunalidad ng natitirang 41 pasahero, at ang eksaktong bilang ng mga Amerikano ay nananatiling hindi pa kumpirmado.

Sa pinakahuling ulat, 298 ang kabuuang bilang sakay ng eroplano kabilang dito ang 283 pasahero at 15 crew.

Sa pahayag ng Ukraine, na sinang-ayunan ng Amerika, pinabagsak ng missile ang MH17. Hinala ng Ukraine na mga pro-Russian separatists na tinawag nilang terorista ang umatake sa eroplano.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Filipino Community of Catania, naglunsad ng unang proyekto

“Servizio Civile, para lamang sa mga Italyano” – Renzi