Pumapalo na sa 40 katao ang naitalang nasawi dulot ng matinding pagbaha sa iba’t ibang dako sa Bicol, Visayas at Mindanao.
Ayon sa bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astrono¬mical Services Administration (PAGASA), patuloy na sinusubaybayan ang banta ng flashfloods at landslides sa Bicol at Eastern Visayas.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang aabot na sa P900 milyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian – P283,768,497.19 sa agrikultura; P593,492,271 sa imprastraktura; at P20,996,300 sa pribadong ari-arian.
Sa kabuuan, nasa bilang na 248,223 pamilya o 1,294,039 na katao ang apektado ng kalamidad. “Ang CARAGA ang pinakaapektado dahil mayroon itong 112,096 na pamilya o 601,804 na katao na sinundan ng Eastern Visayas sa bilang na 66,341 pamilya o 338,064 na katao; at Bicol na may 38,353 pamilya o 196,435 katao. Mayroon pang 4,839 na pamilya o 22,505 katao ang nasa 86 na evacuation centers,” ani NDRRMC executive officer Benito Ramos.