Makalipas ang dalawang ng pagdedeklara ng Pangulong Aquino ng National State ng Calamity dahil sa Tropical Cyclone Pablo (Bopha) ay pumalo na sa 647 ang mga namatay, 1,482 ang mga sugatan at 780 ang mga naitalang nawawala. Karamihan ng mga ito ay buhat sa Davao Oriental at Compostela Valley.
Ito ay ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council – NDRRMC
kanilang 5 a.m. update ng Dec 10.
Bukod dito ay umabot na sa P 7,116,388,040.07 ang halaga ng pinsala sa agrikoltura, infrastraktura at mga ari-arian sa iba’t ibang bahagi ng bansa.