Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-10:00 ng umaga ngayong araw na ito, umakyat na sa 902 ang bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Pablo, 567 na ang mga nakilalang bangkay samantla 335 naman ang kinikilala pa ng mga awtoridad at mga kamag-anak at pamilya.
Karamihan sa mga nasawi ay mga residente ng Davao Oriental at Compostela Valley sa Region XI.
Samantala, 934 naman ang naitalang nawawala at 2,661ang sugatan.
Sa kabuuan, umaabot na sa P15,109,881,128.05 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa imprastraktura, agrikultura at iba pang ari-arian.
Tinatayang aabot naman sa 148,887 ang bilang nga mga nasirang bahay at 528,750 pamilya ang apektado ng bagyo.