in

Approval at trust ratings ng Pangulo, mataas pa rin

altMANILA – “Ako ang kinikilala ko po, ang boss ko, ang taumbayan. Ang boss natin ang nagsasabi kung ano ang direksyon natin.” Mga pangungusap ng Presidente ng Pilipinas na si Benigno Aquino, kung kaya’t ang approval at trust ratings ay nagpapatunay na sya ay boses at malaking tulong sa pag-ahon sa kahirapan ng mga Filipino.

Ayon sa isang survey ng Pulse Asia, ang Pangulo ay mayroong approval na 72% at trust ratings na 74 % ng mga Filipino.

“Iyung approval and trust ratings come from the fact that I think I am speaking for and really trying to realize the dreams of the vast majority or our populace,” ayon pa sa Pangulo sa isang journalist ngayong Martes sa Bulong Pukungan forum.

“I have always tried to be honest with everybody and tell them the bad and the good news at the same time. Realistic naman po ‘yung expectations,” dagdag pa ng Presidente.

Kasabay nito, hiniling ng Pangulo sa mga journalist ang isang Christmas gift, na ihayag din ang mga magagandang balita para sa ikabubuti ng bansa.

“Kaunting pabor lang sana, pamasko niyo na lang po sa akin: sana’y maipagpatuloy at mapagtibay pa ninyo ang pakikiisa sa ating kampanyang ipaabot sa publiko ang mabubuting bunga ng ating mga reporma. Kapag may good news po tayo-huwag lang po sana natin itong ipagbulungan, huwag lang po sana natin itong iimbak sa ating mga tanggapan-huwag po tayong mag-atubiling ipagmalaki ang mga ito at ipagsigawan,” mga salita ng Pangulo.

“Marami po tayong magagandang balita, marami na tayong nagagawa para sa bayan, at maganda pong mamulat dito ang nakakarami nating mga kababayan,” pagtatapos pa nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang 16 na miyembro ng Commission para sa representasyon ng mga dayuhan sa Padua

CGIL: Regularization ng mga migranteng manggagawa