Abrill 19, 2013 – Kabilang si President Benigno Aquino III sa 100 Most Influential People in the World 2013 ng Time Magazine.
Inilathala kamakailan ang tinatawag na “Time 100” at ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapabilang ang Pangulo. Ito ay listahan ng mga taong itinuturing na “innovative" at "making a difference," sa mundo.
Si Aquino ay kabilang sa 23 top influencers sa kategorya ng mga leaders na inilathala sa web. Kabilang din ang 4 pang katerya: ang titans, pioneers, icons at artisits.
Kabilang din sa nasabing listahan ang mga leaders sina Pope Francis, U.S. President Barack Obama, South Korea leader Park Geun-hye at North Korea chief Kim Jong-un.
Ayon pa sa magazine, kinilala ang naging magandang economic performance ng Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon, gayun din ang kanyang paninindigan sa mga kritikal na tema maging lokal man ito o pandaigdigan.
Kinilala rin ang kanyang naging suporta sa RH bill na kanyang pinirmahan upang maging ganap na batas sa kabila ng oposisyon ng Simbahang Katolika.
Higit sa lahat, kinilala ang kanyang pagharap sa regional confrontation sa Beijing ukol sa isyu ng South China Sea.
Ang pagiging kabilang ni Aquino sa Time 100 ay isang parangal ng naglalarawan ng kanyang leadership, ayon sa Malacanang kahapon.
Ito rin diumano ay naglalarawan ng nagbabalik na optimismo, dinamismo at bagong dangal ng bansa sa mga mata ng mga Pilipino at ng buong mundo, ayon pa sa Malacanang.