in

Aquino laban pa rin sa capital punishment matapos ang maraming krimen

Sa kabila ng sunod-sunod na krimen ay patuloy na binabalewala ng Malacañang ang mga panawagang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Matatandaan ang pagkamatay ng pitong-taong-gulang na si Stephanie Nicole Ella dahil sa ligaw na bala habang nanunuod ng mga nagpapaputok sa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City noong Bagong Taon at ang massacre sa Kawit, Cavite kung saan binaril at napatay ni Ronald Bae ang ilang mga bata na nabaril at napatay rin nang mga dumating na pulis .

Ayon kay deputy Presidential spokesperson Abigail Valte sa isang panayam noong nakaraang Linggo ay hindi pa rin diumano nagbabago ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III laban sa capital punishment.

Inihayag ng Pangulo kamakailan ang hindi nito pagsang-ayon sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa bansa sapagkat sa isang hindi perpektong justice system, maaari umanong mahatulan ng estado ang maling tao.

Samantala, patuloy ang panawagan ng ilang mga grupo na ipatupad ang gun ban, na ayon kay Valte ay mayroong “wide spectrum of proposals” at ang lahat ng ito ay tatalakayin diumano sa Pangulo.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Reina Pamela Berganio, La dichiariamo dottoressa di Architettura”

Inilaang quota para sa conversion ng permit to stay, marami pa rin!