in

Au pairs, makakalabas ng bansa simula Marso 19

Nagbigay ng memorandum si Commissioner Ricardo David Jr, sa pagpapatupad ng mga bagong alituntunin simula Lunes (Marso 19).

altRoma, Marso 19, 2012 – Nag-utos ang Bureau of Immigration noong Linggo sa mga opisyal ng mga airports at seaports sa madaling pagpapalabas sa mga au pairs o nanny patungong Europa batay sa pagtatanggal ng ban ng pamahalaan.

Ipinahiwatig ni Commissioner David ang depinisyon ng au pair, isang single, may edad mula sa 18 hanggang 30, at nasa ilalim ng isang cultura exchange arrangement o ang pananatili sa European host family upang matutunan ang kultura at wika nito. Titira ang au pair sa tahanan ng host family na mayroong pantay na karapatan bilang isang ganap na miyembro ng pamilya, bibigyan ng pocket money at bahagi sa pangangalaga ng mga bata at magagaan na trabahong bahay tulad ng nasasaad sa kontrata sa pagitan ng dalawa.

Ayon pa dito, sa simula ng Marso 19, ay ipapakita lamang ng mga aalis ng bansang au pairs ang contract of engagement o letter of undertaking na authenticated sa Embahada ng Pilipinas o konsulado sa Europa. Kakailangani din ang pasaporte at valid au pair visa, certificate mula sa Commission on Filipinos Overseaso CFO kung saan nasasaad ang pagdalo sa isang seminar ng komisyon. Hindi kakailangan ang kumuha ng exit permit mula sa OWWA dahil ang mga au pairs ay hindi mga ofws.

Ayon kay Vice-President Jejomar Binay, na nagdeklara ng pagtatanggal ng ban sa Europa, ay sinabing ang bagong alituntunin ay ginawa ng isang technical working group na binubuo ng mga kinatawan mula sa DFA, Labor and Employment and  Education, POEA, CFO at ang BI.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Noynoying, uri ng protesta!

Pinay, kinasuhan ng salang pagnanakaw