Roma, Setyembre 14, 2012 – Isang hindi pangkaraniwang ispesimen ang natuklasan sa kagubatan ng Pilipinas, nagbubuga ng isang hindi magandang amoy upang proteksyunan ang sarili at tila hindi nabibilang sa anumang kilalang species sa kasalukuyan, na mayroong orihinal na katangian.
Ang insekto ay tila isang manipis na "stick" at walang pakpak, nakatira sa lupa sa halip na sa puno at tunay na makulay, mula sa kulay asul-berde ang ulo nito at orange naman ang katawan.
Ang pambihirang uri ng insekto ay nagbubuga ng mahabong amoy bilang proteksyon sa mga kaaway mula sa bahaging likuran ng ulo nito.
"Ito ay tunay na naiiba mula sa lahat ng mga kilalang species ng insekto – ayon sa Bbc Marco Gottardo Siena University – at aming naisip agad na maaari itong isang espesyal na uri, di pangkaraniwan at hindi pa kilalang insekto."
Ang insekto ay mayroong matatag na katawan ngunit walang pakpak at mga paang maigsi. Mga katangian nangangahulugan ng adaptations nito sa buhay ng mga halaman ng kagubatan.
Ang insekto ay tinawag na Conlephasma enigma. Ang paglalarawan ay matatagpuan sa Comptes Rendus Biologies.