in

Bagyong Pablo, patuloy ang pagsalanta

Umabot na sa 325 katao ang kumpirmadong nasawi sa anim na rehiyong matinding sinalanta ng Bagyong Pablo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinakahuling tala ng na inilbas bandang ala-1 ng hapon ng Huwebes (sa Pilipinas), 298 na ang naitalang namatay sa bagyo sa Davao Oriental at Compostela Valley sa Region XI.

Siyam ang nasawi sa Caraga partikular sa Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan Del Sur, habang umakayat na sa 10 ang patay sa Misamis Occidental, Misamis Oriental at Bukidnon sa Region X.

May pito namang naitala sa Siquijor, Cebu at Negros Oriental sa Region VII, samantalang dalawa sa Region VIII at isa sa Region IX.

Nasa 380 ang naitalang nawawala, at  437 naman ang nasugatan.

Samantala, idinagdag pa ng NDRRMC na umaabot na sa 62.607 na pamilya o 294,110 indibidwal ang mga naapektuhan ni Pablo sa Regions IV-B, VI, VII, VIII, X, XI at Caraga.

54,034 na pamilya o 250,511 katao dito ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Sa kabuuan, umabot na sa 4,704 kabahayan ang nasira at 21 tulay at kalsada ang nasira ni Typhoon Pablo.

Dahil dito, tinatayang P180,540,500 ang halaga ng pinsalang iniwan sa agrikultura at imprastraktura.

Pero ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), umaabot sa P171,5000,000 ang halaga ng pinsala sa Caraga pa lamang.

Tinatayang  P75 milyon naman sa Region 10 at P96,500,000 sa Region 11.

Samantala, aabot ng P3,220,000 halaga ang nawasak sa mga pribadong ari-arian ng mga sinalantang residente.

Nakataas pa rin ang state of calamity hanggang sa kasalukuyan sa Surigao del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

274 nasawi dahil sa Typhoon Pablo

Maitatala rin sa SSN ang mga matatanda na dumating sa Italya dahil sa family reunification