in

Balik “Filipinas” mula “Pilipinas”

"Filipinas" para sa Komisyon sa Wikang Filipino (WKF). Isang petisyon naman mula Pambansang Samahan sa Lingwistika at Literaturang Filipino upang tutulan ito. 

Hulyo 4, 2013 – Sa isang resolusyon noong Abril 12, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay isinusulong na ibalik ang paggamit ng ‘Filipinas’ habang pinipigilan naman ang paggamit ng ‘Pilipinas’.

Ito diumano ay “bilang promosyon sa opisyal at modernong pangalan na naglalarawan ng kasaysayan at pag-unlad ng nasyon”, tulad ng nasasaad sa dokumento na kasalukuyang mainit na isyu sa social media bago pa man sumapit ang Buwan ng Wika sa susunod na buwan.

Ang resolusyon ay nagsasaad din ng paggamit unti-unti ng “Filipinas” sa mga seals, letterheads, notes at iba pang opisyal na dokumento ng bansa.  Ito diumano ang magtutulak sa mga institusyon upang gamitin ang “Filipinas” sa halip na “Pilipinas”.

Dagdag pa ng KWF, ang pagbabago ay hindi mandatory lalong higit sa mga entidad na nabuo bago pa man maging bahagi ng alpabeto ang letrang F. Gayunpaman, ang lahat ng mga organisasyon na mabubuo matapos ang implementasyon ay magtataglay ng pangalang Filipinas.

Sa website ng KWF, ay matatagpuan dina ng chairman ng bagong patakaran, ang National artist na si Virgilio Almario.

Nasasaad s a1992 article na may pamagat na Patayin ang ‘Pilipinas’ na ang pagamit ng Philippines, Pilipinas at Filipinas ay magiging sanhi ng kaguluhan at pagkalito sa bansa”.

“Hindi  tayo magkaisa kahit sa pagtawag lamang sa ating sarili” ayon kay Almario, na dating dean ng University of the Philippines College of Arts and Letters.

Matagal ng itinutulak ni Almario ang paggamit ng “Filipinas” na ayon sa kanya ay ang tunay na pangalang ibinigay ng mga Kastila bilang pagbibigay pugay kay Haring Felipe II. Dagdag pa ni Almario, ang  paggamit  sa pangalang Philippines ay magpapakita diumano kung paano nananatili sa kaisapan ng mga Pilipino ang American rule.

“Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag na titik ang ‘F’, ayon pa kay Almario at ito diumano ang dahilan kung bakit ang national language ay “Filipino” and not “Pilipino.”

Gayunpaman, inamin ng national artist na ang pagbabago ay may angkop na halaga at kinakailangang panahon upang ang mga Pilipino ay masanay sa paggamit nito.

“Anuman ang gastos, mas malaki pa rin ang mga praktikal at historikal na pakinabang natin kapag nagkaisa tayo sa Filipinas” – pagtatapos ni Almario.

Samantala, naghain ng petisyon ang Pambansang Samahan sa Lingwistika at Literaturang Filipino upang tutulan ang iginigiit ng KWF na baguhin ang pangalang "Pilipinas" at gawing "Filipinas."

Ayon sa spokeman ng grupo na si Dr. Pil Garcia, na kahit may basehan sa kasaysayan ang iginigiit ng komisyon, ay hindi naman nito maipaliwanag ang importansiya ng panukalang pagbabago.

Inamin ni Garcia na totoong "Filipinas" nga ang ibinigay na pangalan sa bansa ni Ruy Lopez de Villalobos bilang pagkilala sa hari noon ng Espanya na si Felipe pero nagdesisyon si Lope K. Santos na palitan ito at gawing "Pilipinas" dahil walang letrang "F" ang alpabeto noon.

Idinagdag pa ni Garcia na ang pagpapalit mula sa pangalang ibinigay ng Espanya ay tanda ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa dati nitong mananakop.

"Ang pagbabalik sa ngalang Filipinas ay mistulang muling pagpapasakop sa bansang Espanya na minsang pinamunuan ni Haring Felipe," giit naman ni Garcia.

Ayon pa sa grupo ni Garcia, na binubuo ng mga lingwistika mula sa iba't ibang kolehiyo at pamantasan sa bansa, malilito lang ang mga estudyante sa nais na mangyari ng Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang kopya ng petisyon ay naibigay na rin sa Department of Education, Commission on Higher Education, National Historical Institute, Senado at Kamara.

Naniniwala rin ang grupo na ang pagbabago ng pangalan ng bansa ay dapat idaan sa Kongreso.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Marca da bollo – mula 14.62 sa 16 euros

Kontribusyon ng mga colf, babysitter at caregiver hanggang July 10