Mas madali ang proseso sa pag-alis ng au pairs mayroong guidelines na poprotekta sa mga ito.
Manila, 23 Pebrero 2012 – Inihayag kahapon Miyerkules ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na inalis na ang ban sa mga au pair sa lahat ng bansa sa Europa.
Ang ‘au pair’ sa French ay nangangahulugan – isang dalaga, may edad na 18 hanggang 30, hindi kasal, walang anak na maninirahan sa Europa para sa isang cultural exchange sa loob ng dalawang taon.
Sa loob ng panahong ito, ang au pair ay maninirahan sa tahanan ng kanilang mga host families bilang kapamilya at bibigyan din ng pocket money kapalit ang pag-aalaga ng mga bata pati ang magagaang na household chores, habang nasa ilalim ng cultural immersion at language program.
Nagpalabas din ng bagong guidelines hinggil sa departure ng au pairs patungo sa Europa upang magsilbing gabay sa pag-alis ng mga au pairs at magkakaloob din ng safety nets.
Ginawa at inaprubahan ang guidelines ng Technical Working Group na binubuo ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Education (DepEd), Bureau of Immigration (BI), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at Commission on Filipinos Overseas.
Sa ilalim ng bagong panuntunan ay mas madali na ang proseso ng pag-alis ng au pairs at binawasan na rin ang documentary requirements.
“A strict monitoring system shall also be put in place in Philippine Embassies and Consulates General in Europe for the protection of the au pairs,” pahayag ng DFA.