in

Bar exams inilipat sa buwan ng Oktubre

Oktubre sa halip na Nobyembre at mayroong ilang pagbabago ayon sa Korte Suprema.

altRoma, Marso 22, 2012 – Sa Oktubre na isasagawa ang 2012 Bar examinations sa halip na Nobyembre. Ito ay gagawin sa apat na Linggo ng Oktubre sa University of Santo Tomas.

Mayroong ilang rebisyong bagong ipatutupad ang Korte Suprema tulad ng format nito. Pito sa walong subjects na sakop ng pagsusulit o 60 porsiyento nito ay multiple choice questions samantala 40 porsiyento ang essay-type na inalis noong 2011 bar exams. Bawat Linggo ay dalawang subjects ang kasama sa pagsusulit at hindi tatlo tulad noong nakaraan.

Matatandaan noong una ay buwan ng Setyembre isinasagawa ang bar exams subalit inilipat ito sa Nobyembre dahil sa madalas pag-ulan ng naturang buwan. Noong 2011 ay kauna-unahang ginawa ng Nobyembre ang bar examinations.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Basic Italian language course, nagtapos ang unang batch

Mga Filipino inaanyayahang makiisa sa Earth Hour