in

Bawal ang inuman sa mga kalsada sa Maynila sa Bagong Taon

Huhulihin ang makikitang mag-iinuman sa mga kalsada sa Metro Manila. PNP naglabas naman ng mga ipinagbabawal na paputok.

Dis. 28, 2012 – Bilang bahagi ng kampanyang matiyak ang mapayapang pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa pamunuan ng National Capital Region Police Office ay huhulihin ng mga pulis ang mga mag-iinuman sa kalsada sa Metro Manila.

Bukod sa maraming napaputukan tuwing Bagong Taon, ang inuman sa kalsada, base sa mga ulat, ay lumalabas na sanhi rin ng mga kaguluhan sa pagsalubong sa New Year.

Ayon kay NCRPO director Chief Superintendent Leonardo Espina, ay maraming nadadamay na inosente kapag nagkakagulo na ang mga lasing at upang maiwasan ito ay gagamitin umano ng mga pulis ang ilang lokal na ordinansa na nagbabawal sa pag-inom sa kalsada upang batayan ng panghuhuli sa mga ito.

Bahagi rin diumano ng programa ng Philippine National Police PNP ang pagbabawal mag-inuman sa kalsada upang mapanatili ang kaayusan ng pagdiriwang.

Samantala, nagpalabas rin ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga iligal at ipinagbabawal na uri ng paputok. Narito ang mga ito.

Watusi, Piccolo, Super Lolo, Atomic Big Trianggulo, Mother Rocket, Lolo Thunder, Pillbox, Boga, Big Judah's Belt, Big Bawang, Kwiton

Sa taong ito, may iba pang uri ng malalakas na paputok na nagsulputan na ipinagbabawal din ng PNP. Ang mga ito ay ang tinatawag na:

Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-In-Can, Kabasi, Atomic Bomb, Five Star, Pla-Pla, 'Og', Giant Whistle bomb at iba pang paputok na walang marka o mula sa ibang bansa.

Samantala, ang Department of Health naman ang nakatutok upang matiyak na walang masasaktan sa mga paputok.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang dapat gawin kapag nawala ang permit to stay na malapit na ang expiration?

Citizenship. “Kakulangan sa batas at patakaran, ngunit pabor ang mga Italians”