in

Birth, marriage at death certificate, permanente na ang bisa sa Pilipinas 

Permanente na ang bisa ng birth, marriage at death certificate sa Pilipinas. 

Ito ay matapos awtomatikong naging batas – Republic Act No. 11909 – ang panukala noong July 28, 2022.Nangangahulugang lumipas ang 30 araw nang maisumite ang panukala sa opisina ng Pangulo at hindi ito nalagdaan ng Presidente.

Ikinatuwa ni Sen. Ramon Revilla, ang principal sponsor ng batas sa Senado, ang pagsasabatas ng ‘Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act’ na aniya’y pinagsikapan at pinagtulungan ng mga senador. “

Ayon pa kay Revilla, panalo dito ang bawat Pilipino na malaki ang matitipid sa pera at panahon dahil hindi na kailangang paulit-ulit na gumastos at kumuha ng mga kopya nito dahil permanente na ang bisa ng mga nabanggit na dokumentasyon. 

Nakasaad sa batas na ang mga birth, death at marriage certificates na inisyu, nilagdaan, sinertipikahan o authenticated ng Philippine Statistics Authority (PSA), maging ng National Statistics Office (NSO) at ng local civil registries ay permanente na ang bisa kahit anong petsa pa inisyu”.

Ang mga nabanggit na mga dokumento ay kikila­lanin at tatanggapin sa lahat ng mga transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor. 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 4.7]

PrenotaFacile, mas mabilis ang appointment ng mga permesso di soggiorno

Back pain o pananakit ng likod: ang mga uri, sanhi at lunas nito