Pagdiriwang ng Semana Santa, ang pinakamahabang weekend holiday ng 2012 sa Pilipinas.
Abril 3, 2012 – Isang special non-working holiday ang Black Saturday sa Abril 7. Ito ang idineklara ng Malacañang na nakapaloob sa Proclamation No. 360 na nilagdaan ng Pangulo.
Ito diumano ay upang bigyan ng sapat na panahon ang sambayanan na gunitain ang Semana Santa na isa sa mga tradisyong binibigyang halaga ng Sangkristiyanuhan ng bansang Pilipinas.
Samantala, ang pagdiriwang ng Semana Santa ang itinuturing na pinakamahabang weekend holiday sa Pilipinas para sa taong 2012, na magsisimula sa Abril 5 o Maundy Thursday hanggang Abril 9.
Ito ay dahil sa ang Abril 9 ay ipinagdiriwang din ang Araw ng Kagitingan (Day of Valor), kilala rin bilang Bataan Day at Corregidor Day.