Manila – Hinigpitan diumano ng Bureau of Immigration (BI), ang kautusan hinggil sa pagpili ng mga aplikante ng student visa. Ito ay matapos makatanggap ng mga ulat na mayroong mga naglipanang dayuhan na nagpapanggap na mga estudyante.
Nagpalabas ng memorandum si Immigration Commissioner Ricardo David Jr., hinggil sa bagong guidelines sa pag-iisyu ng student visa at special study permit (SSP) sa mga dayuhan na naka-enrol sa mga eskwelahan sa bansang Pilipinas.
Napag-alaman na ang student visa ay iniisyu sa mga dayuhan na may edad na 18, na kukuha ng kurso sa unibersidad, seminary at college, o anumang eskwelahan na awtorisadong tumanggap ng foreign students. Samantala, ang special study permits (SSPs) ay iniisyu naman sa foreign student na 18 pababa ang edad at mag-aaral naman sa elementarya, sekondarya o mag-e-enrol sa special course na hindi aabutin ng isang taon ang pag-aaral.