Kung handa na ang China, ay nakahanda na rin ang Pilipinas sa mahinahong hakbang.
Mayo 9, 20120 – Mula Abril 8, ay naging tuloy tuloy ang iringan sa pagitan ng bansang China at Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo na pinaniniwalaang mayaman sa langis at gas.
Sa kasalukuyan, apat na Chinese surveillance ships at 10 fishing boats ang matatagpuan dito, na diumano’y parte ng paghahanda ng China tulad ng inihayag noong Lunes ng vice foreign minister ng China na si Fu Ying.
“The Chinese side has… made all preparations to respond to any escalation of the situation by the Philippine side,” ayon dito.
Sa isang pahayag naman noong Martes ng foreign ministry ng China, ay inakusahan ang Pilipinas sa pagiging responsabile sa lumalalang tension sa pinag-aagawang teritoryo.
“It is obvious that the Philippine side has not realized that it is making serious mistakes and instead is stepping up efforts to escalate tensions,” dagdag pa ni Fu.
Samantala, nanatiling kalmado naman Department of Foreign Affairs (DFA) at pinaniniwalaan ang pagsusumikap ng gobyerno ng Pilipinas na maresolba ang usapin sa mapayapang paraan.
Kung handa ang China ay nakahanda rin diumano ang Pilipinas na magsulong ng mahinahong hakbang para mapahupa ang mainit na sitwasyon sa pagitan ng magka-banggaang bansa sa ngayon, ayon kay Assistant Secretary Raul Hernandez, tagapagsalita ng DFA.
Binigyang diin ng DFA ang kahalagahan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang solusyon sa maritime disputes sa West Philippine Sea sa paggunita ng ika-30 anibersaryo ng UNCLOS.
“The Philippines believes that the rules-based approach in UNCLOS, together with the norms in the UN Charter and international law, are the way forward in addressing in a just, peaceful and lasting manner the maritime disputes in the West Philippine Sea,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.
Disyembre 10, 1982 nang lumagda ang 159 bansa kasama ang Pilipinas sa UNCLOS sa Montego Bay, Jamaica. Ito ay ang international law na batayan sa karapatan at responsibilidad ng malaki o maliit, mahirap man o mayaman, sa pandaigdigang karagatan.