in

China, nagreklamo sa resolusyon ng US

Maynila, Agosto 2, 1023 – Pormal na nag-reklamo ang China laban sa US matapos ang isang resolusyong naghahayag ng panig ng US ukol sa hakbang ng China sa pinag-aagawang East at South China Sea o West Philippine Sea na ipinasa ng US Senate.

Mababasa sa resolusyong inilabas ng US Senate  ang mga nakakabahalang hakbang ng China kabilang ang pagbalangkas nito ng opisyal na mapa kung saan nakapaloob sa teritoryo nito ang pinag-aagawang South China Sea at pagpasok ng Chinese surveillance ships sa East China na pinagtatalunan nito sa Japan.

Kaugnay dito, ayon sa pahayag ng Foreign Ministry ng China – “ The above resolution proposed by a minority of senators took heed of neither history nor facts, unjustifiably blaming China and sending the wrong message.

"China expresses its strong opposition, and has already made stern representations with the U.S. side. We urge the relevant senators to respect the facts and correct their mistakes in order to avoid further complicating the issue and the regional situation."

Matatandaang ilang ulit na ring sinabihan ang US na huwag makialam sa anumang usaping teritoryal ng China.

Itinuturing na isa sa pinakamalaking security risks sa Asya ang agawan sa teritoryo ng China sa Japan sa East China Sea at South China sa ilang bansa sa rehiyon tulad ng Pilipinas at Vietnam.

Samantala, noong nakaraang Miyerkules ay sabihan ni Chinese President Xi Jinping ang kanyang Politburo na nais nito diumanong maayos ang gusot sa mapayapang paraan at sa pamamagitan ng negosasyon ngunit hindi naman ilalagay sa alanganin ang soberenya ng bansa kasabay ng pagpapalakas ng kakayahang pandepensa nito.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, ni-report ang kasama sa apartment sa pagbebenta ng shabu

Buksan ang public competition maging sa mga permit to stay holders