in

Comelec, nagsusulong ng on-line registration at voting

Hiniling ng Comelec sa Senate committee on electoral reforms sa pangunguna ni Sen. Aqujilino “Koko” Pimentel III, na pag-aralan muli ng Kongreso ang Absentee Voting Act, Automated Election Law at Fair Election Act.

altPara sa Commission on Elections (Comelec) ay dapat  amyendahan ng Kongreso ang ilang batas ukol sa eleksiyon para sa on-line registration at voting higit para sa mga Pinoy na nasa ibang bansa na patuloy ang pagbaba ng bilang ng bumoboto.

Ito ay dahil sa kakulangan  ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas na puwedeng puntahan ng mga ofws para magparehistro at bumoto.

“We will study the possibility of amending existing laws in order to accommodate not only internet registration but also internet voting,” ayon kay Comelec Commissioner Rene Velasco sa isang panayam. Ayon pa rin sa Commissioner ay maaari umanong malutas lamang ang pagbaba ng botante sa pamamagitan ng internet registration at voting.

Para naman kay Pimentel, bagaman maaari namang  ipatupad ang programa, ay nangangailangan pa ring masuri ang mga umiiral na batas tungkol sa halalan para tiyaking legal at naaayon sa batas ang planong Internet registration at voting. Kokonsultahin din umano ni Pimentel ang mga kapwa senador para makuha ang kanilang opinyon ukol sa mungkahi ng Comelec.

Kinakailangang pag-aralang mabuti ang sistema dahil sa posibilidad na kuwestiyunin ang integridad at integridad at seguridad nito, ayon pa sa senador.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Patuloy na pananahimik ng gobyernno sa papalapit na bagong buwis ng mga permit to stay,

Pagpapatupad ng bagong buwis sa mga permit to stay, simula ngayong araw na ito