Enero 25, 2013 – Tinanggal ng Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang January 18, 2013 ang 238,557 OFWs sa official voters list dahil sa hindi pagsusumite ng mga ito ng intent to vote matapos bigyan ng pagkakataong makaboto sa May election at manatili sa NROAV o National Registry of Overseas Absentee Voters.
Ito ay base sa Overseas Absentee Voting Act of 2003 (Republic Act No. 9189) kung saan nasasaad na ang pagiging rehistrado ng OAV voter “shall be permanent, and cannot be canceled or amended” maliban na lamang na ginusto ng OAV voter na matanggal sa nasabing listahan o “when the overseas absentee voter’s name was ordered removed by the Commission from the Registry of Overseas Absentee Voters for his/her failure to exercise his/her right to vote under this Act for two (2) consecutive national elections” (Section 9.2).
Matatandaang ang COMELEC sa pamamagitan ng Resolution No. 9578 ay nagbigay ng pagkakataon sa mga OAV voters na hindi nakaboto sa huling dalawang eleksyon upang magsumite ng kanilang intent to vote sa darating na May 2013 elections at itinakda ang January 11, 2013 bilang deadline nito.