in

Conditional Cash Transfer o CCT program, hindi solusyon sa kahirapan sa Pilipinas

Mas makabubuting bigyan ng trabaho ang mga mahihirap upang hindi tuluyang umasa sa tulong pinansyal ng pamahalaan.

altRome, Hunyo 20, 2012 – Patuloy na tumataas ang bilang ng mga naghihirap at nagugutom sa Pilipinas. Patunay na ang Conditional Cash TransferCCT program o ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na Pilipino ay hindi solusyon sa problema ng kahirapan.

Ito ay ayon kay Fr. Anton Pascual, ang executive director ng Caritas Manila, at sinasabing simula umano ng unang ipatupad ang CCT program sa ilalim ng administrasyong Arroyo, at ipagpatuloy ng kasalukuyang pamahalaan, ay umabot na ang pondo sa P80 bilyon.

Ngayong 2012, umabot sa P39.5 bilyong ang pondo para sa programa, at sinasabing aabot pa sa P45 bilyong sa 2013.

Ukol dito, ang Simbahang Katoliko ay nananatiling tutol sa programa dahil hindi ito nakapagbibigay ng motibasyon sa mga tao na magtrabaho para kumita. Ito ay dahil sa nakakatanggap ng buwanang tulong pinansyal mula sa gobyerno ang mga mahihirap na pamilya na may mga anak na dapat pag-aralin sa elementarya.

Para kay Fr. Pascual ay mas makabubuting bigyan umano ng trabaho ang mga mahihirap upang hindi tuluyang umasa sa bigay ng pamahalaan.

“Hindi social lamang ang condition or welfare kundi hanapbuhay upang paghirapan, pagtrabahuhan ang kanilang kikitain,” paliwanag ng pari.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maturità 2012, simula ngayong araw na ito sa Italya

US senators nais bumuo ng US Boxing Commission