Dalawang dambuhalang buwaya ang nahuli kahapon ng umaga sa isang ilog sa bayan ng Bataraza sa lalawigan ng Palawan matapos ang inulat na pag-atake sa mga tao.
Ayon sa kapitan ng Baranggay Rio Tuba ang mga nahuling buwaya ay may 16 at 11 na talampakan ang haba.
Dahil sa Valentine's Day nahuli ang mga ito ay pinangalanan ng mga taga Bataraza, Palawan na Valentino at Valentina ang dalawang malaking buwaya.
Nailipat na rin ito sa isolation cell ng crocodile farm sa Puerto Princesa, Palawan bilang pansamantalang tahanan ng mga ito.
Sinasabing ang salt water crocodile kagaya ni Valentino ay endangered species na o malapit nang mawala sa Pilipinas.
Samantala, halos kasinglaki naman ni Valentino ang Australian 'Cassius Clay' crocodile ang kinikilala ng Guinness World Records na pinakamalaking nahuling buwaya sa mundo.
Ngunit ang 18-feet na record ni Cassius ay posibleng mabura kung kilalanin na ng Guiness si Lolong ng Agusan del Sur bilang world's biggest crocodile in captivity.
Bagamat, nasukat na si Lolong noong Nobyembre ng mga eksperto aabutin pa umano ng anim na buwan bago ideklarang nakuha na nito ang world record.
Sa kabila nito, pinatunayan ng grupo ng National Geographic na si "Lolong" nga ang pinakamalaking buwaya sa buong mundo.
Ayon sa zoologist na Australian-British na si Dr. Adam Briton na naging bahagi ng team, irerekomenda nila sa Guinness World Records bilang "largest crocodile in captivity" si Lolong matapos na masukat nila ito na umaabot sa 20.3 feet.