Rome, Hunyo 5, 2012 – Ayon sa DFA, umalis na sa Bajo de Masinloc o lagoon ng Scarborough Shoal ang dalawang Chinese maritime vessel at isang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Pilipinas.
Bagama’t wala na sa lagoon ang mga nabanggit na sasakyan, sinabi ni DFA spokesperson Atty. Raul Hernandez na nasa paligid pa rin ng pinag-aawayang Panatag Shoal ang mga barko ng China at Pilipinas.
Sa huling monitoring ng DFA, may walong Chinese government vessel at dalawang barko mula sa Pilipinas ang malapit sa Bajo de Masinloc.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang konsultasyon sa pagitan ng DFA at Chinese Embassy sa layuning tuluyang maayos ang gusot ng dalawang bansa.