Ang pagiging malikhain ng mga Pilipino at kaalaman sa komunikasyon at sa teknolohiya ng impormasyon ay malaki ang kontribusyon sa loob at labas ng Pilipinas – patungo sa pag-abot ng mga layunin.
Ang Philippine Permanent Mission sa United Nations sa New York ay nagsabi na isang Filipino graphic artist at professor at isang medical technologist ay kabilang sa mga winners ng United Nations Volunteers (UNV) program “Online volunteering Award 2010” para sa mga makabuluhang kontribusyon sa kapayapaan, pag-unlad at tagumpay ng Millennium Development Goals (MDGs) sa pamamagitan ng kanilang mga volunteer work sa internet.
Sa kanilang anunsyo, si Edwin Cuenco, isang propesor at si Edith Marie Garingalao, isang medical technologist ay mga kabilang sa sampung pinarangalang winners para sa 2010.
Isang award-winning designer graphics na nagtuturo sa graphic design sa Arkansas Tech University, si G. Cuenco ay gumawa at nagbigay diumano ng mga promotional materials sa iab’t ibang NGO, kabilang na ang Association against women export (AAWE), na nagpalakas ng kapasidad ng AAWE upang labanan ang human trafficking at malaki ang naging kontribusyon sa pagpapalaki ng pondo para sa mga proyekto at empowerment ng AAWE sa Edo State, Nigeria.
Nakatutok ang online volunteer work ni Cuenco sa MDG 3 (Promote gender equality and empower women).
Si Ms. Gringalao, isang medical technologist ay bahagi ng Kitega Community Center (KCC) na kumilala ng mga posibleng modelo sa kalusugan at serbisyo na syang nagpatibay ng mga ugnayan sa Kitega, isang maliit na rural town sa Uganda. Malaki ang natulong nito upang magbigay ng kapangyarihan sa KCC upang gawing aksyon ang anyo ng kanilang mga plano.
Ang kontribusyon ng grupo ay nakatutok naman sa MDG 4 (Reduce child mortality), MDG5 (Improve maternal health) and MDG6 (Combat HIV/AIDS and other diseases).
‘Ang pagbo-Volunteer Online ay ganap na nagbago ng aking buhay. Hindi ko pinili ito – sa ilang mga paraan, ito ang pumili sakin. Palaging may bago akong natutunan, ibahagi ang aking mga karanasan, makakilala ng mga bagong kaibigan, makatulong sa ibang tao. Bukod dito, sa tingin ko ay lumago ang aking personalidad at naging isang mas mahusay at mapag- arugang indibidwal. Ako ay nag volunteer online sapagkat ito, sa palagay ko ay aking civic at moral duty. Natutunan ko na kung hindi tayo magtutulungan sa bawat isa ay wala kailanman tayong mararating. Ito ay nagpapagaan ng aking pakiramdam dahil natatandaan ko ang dukha at maralita kong paligid sa aking paglaki. Dahil dito, ako ay sumumpang magbibigay sa anumang paraang aking makakayanan. Maligaya ako bilang online volunteer, at patuloy ko itong gagawin sa abot ng aking makakaya’. Mga pangungusap ni Ms. Gringalao.
‘Ako ay nasa Uganda noong 2002 at nakita ko kung paano maghikahos lalo na kung kalusugan ang pag-uusapan. Noong inaalok ang proyektong ito, inisip ko na malaki ang maiibahagi ko para matulungan ang mga tao at matutunan ko din ang kanilang pang-unawa ukol dito. Kahit na kami ay mula sa iba’t ibang bansa, kami ay nagkaisa sa isang layunin upang matapos ang proyekto at upang makatulong sa mga tao ng Kitega’, dagdag pa ni Ms Garingalao .
Ang mga judges ay mga eksperto sa pagboboluntaryo at pag-unlad ng kooperasyon, kabilang ang mga kinatawan ng UNV mula sa iba’t ibang bansa, at pinili ang mga winners batay sa kanilang mga commitment at mga kontribusyon, ang resulta ng kanilang pakikipagtulungan at ang epekto ng kanilang mga gawain sa mga non-profit organization na kanilang sinuportahan.
Ang Philippine Permanent Representative sa United Nations Ambassador Libran N. Cabactulan ay pinarangalan ang mga nagwagi at sinabing nagpapakita ng kakayahan ang mga Pilipino sa pagtulong sa pag-unlad maging sa labas ng bansa dahil sa kanilang dalubhasang karanasan, at kaalaman sa komunikasyon at sa teknolohiya ng impormasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga Pilipino ay maaaring makatulong sa pag-unlad ng maraming organisasyon – sa loob at labas ng Pilipinas – patungo sa pag-abot ng kanilang mga layunin.
Sa isang pahayag ng UNV Executive Coordinator Flavia Pansieri ay binigyang diin na ang pagbo boluntaryo ay isang mahalagang papel upang makamit ang MDGs.
‘Maaaring matugunan ang maraming pangangailangan, kung sasalubungin ng mga milyun mliyong bolotaryo ang mahahalagang hakbang ng gobyerno’, ayon pa kay Pansieri.
Bawat taon, higit sa 9,000 mga online na boluntaryo ang lumalapit sa mga gawain ng non-profit organization sa pag-unlad ng mga serbisyo UNV Online volunteering, na halos aabot ng kanyang sampung taong anibersaryo. Maraming mga non government organization, government at United Nations agencies ang kumukilala sa halaga ng on line volunteer.