Manila – Agosto 1, 2012 – Magpapatupad ang Department of Education ng school-based education at prevention campaign sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa bansa upang mabigyan ng kaalaman at makaiwas ang mga kabataang mag-aaral sa walang lunas at nakakamatay na sakit na Human Immunodeficiency Virus at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa bansa.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro ito diumano y dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagkakaroon ng nasabing sakit.
Ukol dito, isang direktiba ang ipinalabas ng Ministry para magsagawa ng orientation workshop sa HIV at AIDS education batay sa Republic Act (R.A.) 8504 or the Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1988 and the Civil Service Commission Guidelines in the Implementation of Workplace Policy and Education Program on HIV and AIDS.
Samantala, batay sa DOH HIV/AIDS Registry, nakapagtala ang DOH-National Epidemiology Center (NEC) ng 295 bagong kaso ng HIV-AIDS infection nitong Hunyo 2012 sa kabuuang 1,600 bagong kaso na iniulat nitong taong kasalukyan.
Nabatid na 39 sa naitalang bagong kaso ay pawang mga drug users. Samantala, 24 naman ang naitala nitong Pebrero ng mga bagong kaso ng overseas Filipino workers (OFW) mula sa hindi na tinukoy na mga bansa. Sampu naman ang kasong naitala sa Zamboanga City ng mga estudyante sa kolehiyo na kumpirmang positibo sa HIV-AIDS.
Lumilitaw din na labing-anim sa bagong kaso ng sakit ay pawang full blown AIDS na nang maiulat.
Dalawang bansa lamang sa Asya ang mayroong pinakamaraming dami ng naitalang biktima ng sakit at isa dito ay ang Pilipinas.