MANILA, Philippines – Ang Foreign Affairs Secretary na si Albert Del Rosario ay hinarap ang mga diplomatic corps sa unang pagkakataon noong nakaraang Lunes.
Binigyang diin ni Del Rosario na pagtibayin ang relasyon sa ibang bansa, ngunit ang tunay na intensyon ng Presidente, na ipinagkatiwala sa kanya, ay ang pangalagaan ang kapakanan ng mga OFWs. Gamitin ang mga embahada sa iba’t ibang bahagi ng bansa para maging takbuhan ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa usaping legal.
Sa kamakailang pagpaslang sa tatlong Pinoy sa China dahil sa pagpapapuslit ng ‘drugs’, ang nagtulak sa unang hangarin ni Del Rosario na siguraduhin na ang mga Pilipinong nahahatulan sa ibang bansa ay may sapat na assistance sa lahat ng kanilang pangangilangan.
Gayunpaman, kinakailangan din ang mahigpit na pagpapasunod ng batas sa Pilipinas, lalo na pagpapapuslit mula sa bansa ng ‘drugs’, upang hindi na ulit pang maulit ang mga naging pangyayari.
Napakaraming mga Pilipino ang nahahatulan bilang mga ‘drug mules’ sa ibayong dagat. Kabilang dito ang Italya, China, Thailand at marami pang iba. Para kay Del Rosario ito ay sanhi ng matinding kahirapan sa bansa
Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang paghihikayat ng pamahalaan sa mga foreign investors na pumasok ng bansa. Ito ang magpapasok ng mga bagong trabaho sa bansa at magbabawas ng mga kababayang magnanais na iwanan ang pamilya upang makipag sapalaran sa ibang bayan.