Hindi pa man natatapos ang mga aftershocks ng lindol kahapon, tumama naman ang panibagong pagyanig sa Visayas, hapon ng Martes.
Naitala ang epicenter ng lindol malapit sa San Julian, Eastern Samar, bandang 1:37 p.m. (local time).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology, tectonic ang origin nito.
Wala namang pinangangambahang tsunami ayon sa PHIVOLCS,
Nangyari ito isang araw matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon, na nag-iwan ng 16 kumpirmadong patay, ayon sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
https://www.facebook.com/gmanews/videos/429825957794596/