in

EDCA, nilagdaan ng US at Pilipinas

Ang EDCA ay mahalagang bahagi ng Mutual Defense Treaty (MDT) at Visiting Forces Agreement (VFA) ng  bansang Amerika at Pilipinas.
 

Manila, Abril 28, 2014 – Nilagdaan na ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.


 
Mas madali nang makapapasok ang US military sa bansa matapos lagdaan ang 10-taong kasunduan, na pinaniniwalaang pangontra sa panghihimasok ng Chinese forces sa West Philippine Sea, kasabay ang pagdating ni US President Barack Obama sa bansa kahapon.
 
Pinangunahan ni Defense Secretary Voltaire Gazmin at U S Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang paglagda sa kasunduan sa Camp Aguinaldo, Quezon City higit tatlong oras bago ang pagdating ni Obama sa Ninoy Aquino International Airport bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang bansa sa Asia.

 
Paliwanag ni Goldberg sa kanyang talumpati matapos ang pagpirma, ang EDCA ay mahalagang bahagi ng Mutual Defense Treaty (MDT) at Visiting Forces Agreement (VFA) ng dalawang bansa.
 
Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, makapapasok ang puwersa ng Amerika sa piling kampo ng Armed Forces of the Philippines kung saan maaring ipuwesto ang mga fighter jet at barko de giyera nito.
 
Batay sa kasunduan, madadagdagan ang training opportunities ng dalawang panig, masusuportahan din ang modernization ng AFP at matutulungan itong matutukan ang maritime security, domain awareness at maging ayuda sa disaster relief capabilities ng bansa.


 
Sinabi ni Goldberg na layunin ng kasunduan ay hindi lamang pananatilihin ang katahimikan at seguridad sa rehiyon subalit bibigyan din ng kakayahan ang militar ng Pilipinas na makatugon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
 
Base sa kasunduan, ang pananatili ng puwersa ng Amerika sa Pilipinas ay temporary at rotational basis.
 
Sinabi rin ni Evan Medieros, senior director for Asian affairs ng National Security Council na nakabase sa White House, gagawin pa lamang ng US at Philippine government ang bilang ng Amerikanong sundalo na maaaring magtungo sa mga AFP camp at hanggang kailan ang mga ito maaaring manatili sa lugar.
 
 
 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Roncalli at Wojtyla ganap nang santo

PANGULONG OBAMA sa kanyang State Visit sa Pilipinas