in

GMA, inilipat sa ICU

Hindi pa alam kung makakadalo ang dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan sa Lunes, dahil sa kasalukuyang kundisyon nito.

Maynila, Oktubre 12, 2012 – Matapos ma-diagnose na may coronary ischemia ay inilipat sa intensive care unit (ICU) ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Arroyo.

Ayon sa medical bulletin na ipinalabas ngayong araw na ito, ay tila kulang ang dumadaloy na dugo papunta sa puso ng dating pangulo dahil sa mga bara sa kaniyang blood vessels. Ito diumano ang dahilan ng paninikip ng dibdib ni Arroyo at kinakailangang binabantayan sa ICU.

Dahil dito, ay hinihiling ng kanyang abogado na ipagpaliban muna ang pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan sa Lunes kaugnay ng kasong plunder na isinampa dito.

Matatandaang na-admit muli sa VMMC si Arroyo bago arestuhin ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Oct 4, matapos ipalabas ang warrant of arrest ng Sandiganbayan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Stop racial discrimination in employment, rekomendasyon mula European Council

“Mga pets ang mga ito at hindi gamit sa sex” – AIDDA