Simula noong September 15 ay pinahihintulutan ng magdala ng halagang hanggang P50,000 ang mga magbibiyahe papasok at palabas ng Pilipinas.
Nobyembre 23, 2016 – Inaprubahan ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Circular No. 922 series of 2016, kung saan nasasaad na hindi na kakailanganin ang awtorisasyon sa pagdadala sa loob at labas ng Pilipinas ng halagang hanggang P50,000.
“A person may import or export, or bring with him into or take out of the country, or electronically transfer, legal tender Philippine notes and coins, checks, money order and other bills of exchange drawn in pesos against banks operating in the Philippines in an amount not exceeding P50,000 without prior authorization from the BSP,” ayon sa Circular.
Ang maximum amount sa nakaraan ay P10,000.
Ang pagtaas ng maximum amount ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan upang matiyak na ang mga regulasyon ay naaayon at angkop sa kasalukuyang pangangailangan ng mga travelers papasok at palabas ng Pilipinas.
Bukod sa nabanggit, ay itinaas din ang maximum amount na maaaring ipalit ng mga residente sa Pilipinas sa halagang $ 500,000 ng walang anumang dokumentasyon.
Matatandaang ang halagang pinahihintulutan sa parehong sitwasyon sa nakaraan ay $ 120,000.