Mahigit 5,000 na ang patay sa pananalasa ni super typhoon Yolanda.
Maynila, Nobyembre 22, 2013 – Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Eduardo Del Rosario, umabot na sa 5,209 ang bilang ng mga nasawi ng bagyong Yolanda at 24,716 libo naman ang sugatan. Samantala, nasa1,611 naman ang patuloy na nawawala.
Ang bilang ng mga nasawi ay nangunguna pa rin sa Tacloban kung saan aabot sa 1,725 at sinisiguradong madadagdagan pa ito habang nagpapatuloy ang clearing operation.
Nakapagtala naman ng 1,246 sa bayan ng Tanauan; 1,070 sa Palo; 37 sa Ormoc City at 2 sa Baybay City.
Ayon sa pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, sa40 bayan ng Leyte, ang ay may kabuuang 2,668.
Sa Eastern Samar kung saan 12 bayan ang labis na sinalanta ng super bagyo ay umaabot sa 250 ang namatay habang 8 sa Borongan City.
224 naman ang naitala sa bayan ng Basey at Marabut sa Samar.
May naitala namang lima sa Biliran Province.
Sa kasalukuyan, 2,989 pa lamang na bangkay ang kinilala ng mga awtoridad.
Ang pinakahuling death toll ay batay sa pinagsama-samang report ng DILG, Office of Civil Defense at Philippine National Police hanggang Biyernes, alas-7:00 ng umaga (oras Pilipinas).