in

Higit sa 800 partners, nagpalitan ng “I do” sa araw ng mga puso

Manila – Pebrero 14, 2013 – Mahigit sa 800 magkasintahan sa iba't ibang ng lungsod sa Metro Manila ang sabayang ikinasal sa 'Kasalang Bayan' ngayong Valentine's Day.

Sa Makati City, ang Kasalang Bayan ay pinangunahan nina Vice President Jejomar Binay at Pag-IBIG Fund President Darlene Marie Berberabe at dinaluhan ng 345 magkasintahan at matagal nang mga magsing-irog.

Tinatayang aabot sa 4,000 partners ang haharap sa dambana sa gaganaping Kasalang Bayan ng Pag-ibig fund sa 31 iba't-ibang lugar. Dalawa ang papalaring bagong kasal ang mag-uuwi ng house and lot at ang mabibigyan ng kabuhayan package.

200 magsing-irog ang ikinasal sa Quezon City at sa Taguig naman ay mismong ang alkaldeng si Lani Cayetano ang nagkasal sa 150 partners. Ang mga nagpalitan ng "i do" ay niregaluhan ng tig-iisang sakong bigas ng lokal na pamahalaan.

Samantala, sa Brgy. San Antonio, Parañaque City ay umabot naman sa 110 ang mga nangakong "till death do as part"
 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang dalagita lumayas at nagtungo sa kasintahan, natagpuan ng awtoridad

Cine Filipino, itatanghal ng Embahada sa Roma