Matitigil na rin ang pagtatanggal ng mga sapatos sa NAIA final checkpoints simula Nov. 1
Manila,Oktubre 23, 2012 – Simula sa Nobyembre 1 ay hindi na pagtatanggalin ng mga sapatos ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga pasahero sa final security checkpoints sa departure areas sa lahat ng terminal ng paliparan.
Ito diumano ay dahil nasa normal alert conditions na ang NAIA terminals, ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado.
Pakiki-usapan na lamang ang mga pasahero na magtanggal ng sapatos sakaling mag-alarm ang walk thru metal detector o sa panahong ipatupad ang shoe screening sa kada 10 hanggang 20 pasahero. Nagiging mandatory lamang diumano ang pagtatanggal ng sapatos ng mga pasahero kung nasa high alert level conditions ang NAIA.
Gayunpaman, may ipatutupad pa rin na shoe inspection sa mga US-bound carriers sa kanilang mga boarding areas ayon sa ipinatutupad na regulasyon ng United States Department of Homeland Security (DHS), pagtatapos pa ni Honrado.