Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara de Representantes na naglalayong ipadeklarang pambansang simbolo ang ilang bagay o tao.
Marso 17, 2014 – Sa House Bill No. 3926 o Philippine National Symbols Act of 2014, akda ni Bohol Rep. Rene Relampagos, tagapangulo ng House Committee on Tourism, ay hangaring ipa-deklara bilang pambansang simbolo ng bansa ang ilang mga bagay.
Ito ay dahil sa kawalan ng kaukulang batas na sumusuporta sa ilang bagay o tao upang kilalaning pambansang simbolo.Tila ‘kolorum’ diumano ang pagkilala sa mga ito tulad ni Dr. Jose Rizal – unofficial national hero, Kalabaw – unofficial national animal, Mangga – unofficial national fruit, Bangus – unofficial fish, at Baro’t saya – unofficial national costume.
“National symbols represent its country, its people, its history and its culture. In the Philippines, there are around twenty national symbols being taught in school. However, of these symbols, only ten are official, that is with basis either in the Constitution, Republic Acts and Proclamations”, ayon kay Relampagos sa paghahain ng panukalang batas.
Bukod sa pagtatama sa mga unofficial status ng mga ito ay mahalaga ayon kay Relampagos ang pagkakaroon ng pambansang mga simbolo upang palaganapin at panatilihin sa isipan ng mga mamamayan ang kanilang pagiging makabayan at pagkakaisa.
Napapaloob sa panukala ang ipadeklarang pambansang simbolo ang mga sumusunod:
- Jose Rizal – national hero
- Philippine Peso – national currency
- Great Seal – national seal
- Manila – national capital
- Malacañan Palace – national seat of government
- Filipino – national language
- Lupang Hinirang – national anthem
- Arnis – national martial arts and sport
- Cariñosa – national dance
- Philippine monkey-eating eagle – national bird
- Carabao – national animal
- Bangus – national fish
- Narra – national tree
- Philippine Pearl – national gem
- Sampaguita – national flower
- Anahaw – national leaf
- Mango – national fruit
- Adobo – national food
- Bakya – national slippers
- Bahay Kubo – national house
- Jeepney – national vehicle
- Bayan Ko – national song
- Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa – national motto
Inaatasan, sa ilalim ng panukalang batas, ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commissionof the Philippines (NHCP) na gumawa ng mga kaukulang hakbang upang kumulat ang impormasyon tungkol sa mga pambansang simbolo.