in

Ika-27 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ipinagdiwang

Pebrero 25, 2013 – Sa pangunguna  ni Pangulong Noynoy Aquino ay ipinagdiwang ang ika-27 makasaysayang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution kaninang umaga.  

Nakiisa sa pgdiriwang sina dating Pangulong Fidel V. Ramos, Vice President Jejomar Binay at Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Kabilang din sa pagdiriwang ang mga miyembro ng gabinete ng Pangulo tulad nina Social Welfare Secretary Dinky Soliman, Justice Secretary Leila De Lima at Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Kabilang ang libu-libong Pilipinong dumalo sa mataimtim na pagdarasal sa isinagawang ecumenical prayers. Pagkatapos ay isa-isa namang sumulat ang mga religious leader, non-government organization (NGO) leaders at local government officials sa pledge wall.

"Kasama niyo ako sa pagkamit ng inyong inaasam", ang isinulat na commitment ng Pangulo na pinakahuling nagsulat sa pledge wall.

Samantala, isang pagbabalik-tanaw ang ginawa ng Pangulo sa tagumpay ng EDSA Revolution, na nagsilbing halimbawa upang muling makamit ang demokrasya.

Ayon pa kay PNoy, hindi lang ang paglaban para sa demokrasya ang hinahangaan ng ibang bansa sa atin kundi maging ang patuloy na pagbangon at paglakas ng ekonomiya ng bansa.

"Iyan po ang aral na handog sa atin ng EDSA: Ang rebolusyong nagsauli ng demokrasya ay siya ring inspirasyon natin ngayon upang idiretso ang pag-asenso't pag-arangkada."

"Araw-araw po nating ipagdiwang ang dangal ng isang lahing hindi na muling babagsak, hindi na muling magpapaapi, hindi na lamang basta makukuntento sa kultura ng pagbangon; araw-araw po nating isapuso ang bagong kultura ng walang dalawang-isip, walang atubili, at walang takot na pagsulong."

"Alalahanin po natin ang ating pinagdaanan; kung dati, humarap tayo sa posibilidad ng karahasan upang makamtan ang kalayaan, ngayon, kailangang muli nating lumaban upang tuluyan na ngang mapitas ang bunga ng sakripisyo ng mga nauna sa atin."

Kasabay ng pagdiriwang ay pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na magbibigay ng pagkilala sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law o ang Human Rights Victim Reparation Act of 2013.

"Hindi natatapos ang paggunita ng ating krusada para sa katarungan kaya nga po sa araw ding ito, nilagdaan natin ang Human Rights Victim Peparation Act of 2013 bilang pagkilala sa pagdurusang dinaanan ng napakarami noong batas militar at upang ipakita na lumipas man ang henerasyon, hindi tayo panghihinaan ng loob sa pagtatama ng mga mali ng nakaraan," ani Aquino.

" Tiniyak ng mga nagsulong ng batas na ito na hindi man maibabalik ang panahon na ninakaw sa mga biktima ng batas militar, masisiguro naman ang pagkilala ng Estado sa kanilang pinagdaanan at nang sa gayon mailapit sila sa tuluyang paghihilom sa mga sugat ng nakaraan," dagdag ni Aquino.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang pamumuno ni Senate president Juan Ponce Enrile at House speaker Feliciano Belmonte Jr. sa pagkakapasa ng panukala sa Kongreso. Samantala, pinuri rin ang kongresistang si Erin Tañada at Senator Serge Osmeña sa paggawa ng panukala.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pope Benedict XVI, ang Papa ng mga migrante

Philippine Icons sa Italya, pinarangalan