in

Indefinite TRO, ibinaba ng SC

Peb 6, 2013 – Indefinite TRO ang ibinaba ng Korte Suprema upang pigilan ang implementasyon ng Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012.

"TRO in cybercrime case extended until further orders from court," ayon sa SC (Supreme Court).

Ito ay matapos ang ginanap na en banc session kung saan nagdesisyon ang mga mahistrado na palawakin ang 120 days na temporary restraining order na ipinalabas noong Oktubre 29 at nakatakdang magtapos ngayong araw na ito, Pebrero 6.

Unang nagsagawa ng oral argument sa Korte Suprema ukol sa usapin kung saan pinakinggan ng SC ang dalawang panig. Pagkatapos ay ang paghahain ng parehong panig ng memoranda at pagkaraan nito ay ang pagdedesisyon ng SC. Ayon pa sa Korte Suprema ay dedesisyunan ang isyu sa nakatakdang panahon bagaman walang itinalagang petsa ukol dito.

Samantala, ganap namang ikinatuwa ng mga netizens ang ipinalabas na indefinite TRO.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Front office para sa Ikalawang Henerasyon, bubuksan sa Milan

Waling waling bilang national flower, aprubado sa Senado