in

Italian diplomat, arestado sa child trafficking

Inaresto ang isang italian diplomat matapos ireklamo ng isang non-government organization (NGO) habang kasama ang tatlong menor de edad na lalaki sa isang resort sa Laguna .

Maynila, Abril 7, 2014 – Inireklamo si Daniele Bosio, 46 anyos, isang Italian diplomat, ng Bantay Tuluyan Foundation, isang NGO na nakikipagtulungan sa isang international Onlus, Ecpat o End Child Prostitution, Pornography and Trafficking, matapos mahuling kasama nito ang  tatlong batang lalaking may edad 9, 10 at 12 na pawang taga-Maynila sa isang apartment sa Splash Island Resort sa Laguna hatinggabi ng Biyernes.

Ayon naman sa ilang source, ang diplomat ay inaresto habang kasama ang mga menor de edad sa isang amusement park.

Napag-alamang First Counselor sa Turkmenistan ang Italian na nagtatrabaho sa Ministry of Foreign Affairs at pansamantalang naninirahan sa isang condominium unit sa Eastwood City.

Ayon kay Col. Romulo Sapitula, Philippine National Police (PNP) Director ng Laguna, nasa kustodiya na ng Biñan Municipal Police Station ang Italian diplomat at kasalukuyang pinagbabawalang gumamit ng telepono at email.

Kinasuhan ang diplomat sa kaso ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Samantala, mabilis naman ang pagkilos ng Farnesina upang suriin ang mga pangyayari at sinisigurado ang “massima trasparenza e rigore” ukol sa kaso. Legal assistance naman ang mabilis na isinaklolo ng Italian Embassy sa Maynila.

Balisa ang diplomat matapos arestuhin dahil malinis umano ang kanyang hangarin. Sa katunayan, pinapatunauyan ng ilang kakilala ang pagiging malapit ng diplomat sa mga bata at ang madalas na partesipasyon nito sa mga handaan bilang clown at pamimigay ng mga balloons. Batay din sa ilang source, ang diplomat ay nag-donate pa sa pagpapatayo ng isang paaralan.

Bilang patunay, ay kasalukuyang ipinapaabot ang mga ebidensya sa kinauukulan ukol sa gawain ng diplomat para sa mga menor de edad at ang kanyang kolaborasyon sa ilang NGO tulad ng McDonaldHouse a New York (tumutulong sa mga batang may tumor) Big Brothers of New York (mentoring ng mga menro de edad), Caritas Roma (kabataang  may problema), at Peter Pan (mga batang may tumor).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Colf, dapat bang gumawa ng ‘dichiarazione dei redditi’?

Anti-pedophile certificate, di kailangan ng mga babysitters