in

Karagdagang 32 bansa, may proteksyon sa mga ofws

Roma, Hulyo 4, 2012 – Inanunsyo dalawang araw na ang nakakalipas ng Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz na ang Governing Board of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay inaprubahan ang isang resolution kung saan nasasaad ang karagdagang 32 bansang nagbibigay ng garansyang mapo-protektahan ang karapatan ng mga ofws tulad ng nasasaad sa Section 2 ng R.A. 10022.

Ang resolution, GBR No. 8, Series of 2012, ay pirmado ni Secretary Baldoz, POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, Vice Chairman, at ni Leonardo B. de Ocampo, Member.

Ayon kay Baldoz, chairman ng governing board, ang 32 bansa ay ang sumusunod: Algeria, Bahrain, Bangladesh, Bhutan, Botswana, China, Dominican Republic, East Timor/Timor Leste, Iran, Kingdom of Saudi Arabia, Kiribati, Kuwait, Kyrgyz Republic/Kyrgyzstan, Lesotho, Maldives, Micronesia, Mongolia, Montenegro, Mozambique, Panama, Papua New Guinea, Qatar, Serbia, Solomon Islands, Sri Lanka, Syria, Swaziland, Tajikistan, Turkmenistan, United Arab Emirates, Yemen, Zambia.

Ayon pa kay Baldoz ang mga bansang nabanggit ay sertipikado ng Department of Foreign Affairs noong nakaraang  24 May 2012.

Dahil dito, ang POEA ay maaring mag-deploy sa mga bansang nabanggit ng mga ofws samantala ang DFA naman ay ipagpapatuloy ang mga negosasyon upang lalong maprotektahan ang mga household service workers.

184 ang kabuuang bilang ng bansa mayroong sertipikasyon buhat sa DFA. Nananatiling 19 ang mga bansang hindi garantisado. Ito ang mga sumusunod: Afghanistan, Chad, Cuba, Democratic People's Republic of Korea/North Korea, Eritrea, Haiti, Iraq, Lebanon, Libya, Mali, Mauritania, Nepal, Niger, Palestine, Somalia, Uzbekistan, Zimbabwe, Monaco, at Vatican.

Tatanggapin pa lamang ang mga certifications buhat sa Vatican at Monaco. Samantala ang Libya at Iraq ay kasalukuyang pinag-aaralan at maaaring ma-rebisa ang mga certifications.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Guide Migranti: tutto quello che c’è da sapere sulle Filippine ed i filippini

Summer time, Summer love – Ikalawang Bahagi