Mabilis at matatag na mga bangka gawa sa mga recycled materials.
Rome, Mayo 12, 2012 – Isang dosenang mga bangka gawa sa mga recycled plastic bottles, mga lata at iba pang materyales ang nagkarera sa Subic bay noong nakaraang linggo para sa garbage boat race.
Ito ang pinaka-unang Columbia Recyclable Regatta na naglalayong i-promote ang recycling.
Iba’t ibang grupo ang sumakay sa kani-kanilang mga recycled vessels sa halos 25 metrong karera. Pinili ang mga nanalo sa kanilang bilis at tatag ng kanilang mga imbensyon.
Sa Pilipinas, ayon sa mga report ay mayroong halos 16 bilyon kilo ng mga basura taun-taon at 95% diumano nito ay maaaring ma-recycle.
Bukod sa advocacy ng green recycling, ang paligsahan ay may layunin ring turuan ng mga karagdagang skills ang mga Filipino sa panahon ng sakuna. Ang Pilipinas, ayon sa UN ay ikatlo sa disaster-prone countries sa Asya, kaya’t makakatulong ang kakayahang gumawa ng sasakyang pang-tubig sa panahon ng bagyo o baha man.
“Ang matutunang gawin ang ganitong uri ng sasakyan pang-tubig ay hindi na kailangan pang bumili ng bangka” ayon sa direktor ng paligsahan na si Thumbie Remigio. “Maaaring gawin ang kanilang sariling bangka sa likod-bahay, lalo na sa mga nakatira sa riverside”.