Magnitude 7.2 na lindol ang tumama sa Bohol at Cebu, kasinlakas ng pagsabog ng 32 Hiroshima atomic bombs at mas malakas ng bahagya kumpara sa magnitude 7.0 na tumama sa Haiti noong 2010.
Manila, Oktubre 15, 2013 – Ayon sa inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum sa isang press conference ang lindol na may magnitude 7.2 na tumama sa Bohol at Cebu Martes, bandang alas 8 ng umaga ay kasinlakas ng pagsabog ng 32 Hiroshima atomic bombs. Mas malakas ng bahagya kumpara sa magnitude 7.0 na tumama sa Haiti noong 2010 kung saan namatay ang daang libo katao, dagdag pa ni Solidum.
"The magnitude 7.2 earthquake is within the category of a major earthquake… A magnitude 7 earthquake has an energy equivalent to around 32 Hiroshima atomic bombs and compared to the 2010 Haiti earthquake that had a magnitude of 7.0, this one 7.2 is slightly stronger."
Tinatayang umabot na sa 110 aftershocks ang naramdaman hanggang kaninang alas-11:10 ng umaga (local time) at inaasahang magpapatuloy ito hanggang sa mga susunod na araw, ayon sa PHIVOLCS.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pinakahuling ulat nito, 20 ang kumpirmadong nasawi sa Bohol.
Posibleng tumaas pa ang bilang sa pagdating sa tanggapan ng mga datos mula sa mga lokal na pamahalaan.
Isinailalim na sa state of calamity ang Cebu at Bohol.
Ayon kay Bohol Gov. Edgar Chatto, napagkasunduan ng provincial council na ideklarang calamity area ang buong probinsya. Ito umano ang magpapahintulot na gamitin ang calamity fund bilang pagsagot sa mga pangangailangan ng iba’t ibang municipalities.
Samantala, sa Bohol, si Board Member Yul Lopez ang nag-anunsyo sa pagsasailalim sa state of calamity ng probinsya.
Nakatakdang magtungo sa Cebu at Bohol sa Miyerkules ang Pangulong Noynoy Aquinopara bisitahin ang mga lugar na matinding napinsala ng lindol na tumama sa VisMin.
Sa kabila nito, tuloy naman aniya ang biyahe niya sa South Korea sa Huwebes.
Ayon naman sa National Commission on Culture and Arts (NCCA), hindi bababa sa 10 National Treasure Churches ang napinsala ng lindol kabilang ang makasaysayang Loboc Church sa Bohol at ang Basilica Minore del Sto. Niño sa Cebu.