Manila, May 22, 2013 – Nagpalabas ng listahan ng 25 party-list groups na nangunguna sa bilangan ng NationaL Board of Canvassers (NBOC) si Commissioner Grace Padaca ng Commission on Election (Comelec).
Ang nasabing listahan ay batay sa 95% ng certificate of canvass (COC) na nabilang na ng Comelec.
Dapat diumanong makakuha ng 2% ng mga boto upang magkaroon ng unang congressional seat ang isang party-list.
Sa initial computation ng Comelec, ang 2% ay nasa 200,000 hanggang 206,000 votes ngunti mas mainam diumanong hintayin ang eksaktong numero kapag nabilang na ang lahat ng COC.
Kasalukuyang patuloy ang canvassing sa overseas absentee voting (OAV) ngunit nabilang na ang mga COC mula sa mga lalawigan.
Narito ang top 25 party-lists:
1. BUHAY 1,255,734
2. A TEACHER 1,033,873
3. BAYAN MUNA 945,639
4. 1 CARE 931,303
5. AKBAYAN 820,351
6. AKO BICOL 761,115
7. ABONO 753,161
8. OFW FAMILY 735,854
9. GABRIELA 706,194
10. SENIOR CITIZENS 671,916
11. COOP-NATCCO 640,180
12. AGAP 588,095
13. CIBAC 578,320
14. MAGDALO 561,613
15. AN WARAY 540,210
16. ABAMIN 465,192
17. ACT TEACHERS 449,710
18. BUTIL 437,084
19. ACT-CIS 371,309
20. AMIN 370,351
21. LPGMA 369,989
22. KALINGA 367,839
23. TUCP 365,299
24. YACAP 364,278
25. AGRI 363,204
Mayroong 58 congressional seats para sa mga party-list. Maaaring iproklama ang mga nanalo ngayong linggong ito, ayon pa kay Padaca.