Rome, Hulyo 10, 2012 – Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa mga pasaherong dumating sa bansang Pilipinas na maaaring may sintomas ng "misteryosong sakit" na sinasabing kumitil na sa buhay ng higit sa 60 bata sa Cambodia.
Ayon sa Bureau of Quarantine ay patuloy ang kanilang pag-iinspeksyon sa lahat ng mga biyaherong naggaling sa timog silangang Asya, partikuylar na sa Cambodia.
Patuloy naman
ang pagsusuri ng Department of Health (DOH) para sa posibleng sanhi ng hindi pa nalalamang karamdaman.
"The DOH is now monitoring the Cambodian respiratory disease. Airports will screen inbound travelers as standard operating procedure," ayon kay National Epidemiology Center head Dr. Enrique Tayag.
Ayon sa mga report, pawang mga batang pitong taon gulang pababa ang biktima ng misteryosong sakit. Wala pang masyadong nalalaman ukol sa pinagmulan ng sakit, pero ito ay "fatal" o nakamamatay.
"Transmission unknown, causative organism unknown… fever and respiratory or neurological [problem] followed by death within 24 hours," babala ng opisyal.
Tumataaas din diumano ang bilang ng white blood cells ng mga batang tinamaan ng sakit.
Pinapayuhan ng DOH ang mga taong balak pumunta s Cambodia na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe habang nangangalap pa ang mga awtoridad ng impormasyon tungkol sa sakit.
Samantala, ayon sa World Health Organization, higit sa 70 kaso na ang naitala nila simula ng mapabalita ang sakit noong Abril.
“Of these, 57 cases (including 56 deaths), presented a common syndrome of fever, respiratory and neurological signs, which is now the focus of the investigation,” ayon sa WHO.